News

Gabay sa Pag-Iwas at Pagbangon mula sa ASF.

Ang African Swine Fever o ASF ay nakakahawang sakit na maaring makaapekto sa mga baboy. Ang pangunahing dahilan ng sakit na ito ay lagnat, pananamlay, pagtatae, pag-kulay ube ng kanilang ilong, taynga, buntot, at paa, pagkawala ng gana sa pagkain, at sunod-sunod na pagkamatay. Maaari itong maikalat sa pamamagitan ng hauler, aso, pusa, ibon, at tao.

Mahalagang masusing bantayan at tugunan ang mga sakit ng hayop, lalo na kapag may banta ng ASF. Dapat palakasin ang mga biosecurity measures sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

1. Secure Entrance – Maglagay ng footh bath sa entrance at maglagay ng bakod o net.

2. Proper Hygiene – Panatilihin ang kalinisan sa sarili. Maligo at magpalit ng damit bago pumasok sa Babuyan, lalo na kung galing sa palengke o ibang piggery.

3. Separate Pigs – Ihiwalay ang may sakit.

4. Disinfect – Gumamit ng sodium hypochlorite, glutaraldehyde, potassium peroxymonosulfate, o caustic soda sa paglilinis ng babuyan. Maari kayong mag pre-order ng disinfectant sa aming sister company, CLDS Corporation. Tumawag lamang sa (043) 404 0428 / (043) 403 7249.

5. No Swill Feeding – Huwang magpakain ng kaning-baboy.

6. Use Clean Feeds – Gumamit ng malinis, ligtas, at top-performing na pamakain. Pumili ng feed manufacturer o supplier na may kakayanan at certification.

Paano nga ba mag simula ulit?

1. Rest – Pagpapahinga ng pag-alaga ng 3 – 6 buwan

2. Secure Environnment – Makipag ugnayan sa munispyo / city / provincial veterinary office para sa pagsusuri ng kapaligiran (swab).

3. Start – Mag-umpisa ng pag-aalaga na naayon sa kakayanan.

4. Observe – Manigurado at makipag-ugnayan sa iyong trusted vet. Obserbahan ng 3 – 4 buwan.

5. Repopulation – Matapos ang tagumpay na 2 – 3 batches na pag-aalaga ng hindi lumabas ang sintomas ng ASF ay maari ng isakatuparan ang repopulation ng piggery.

Ang CLARC Feedmill, Inc. ay palaging handa na magbigay ng suporta, lalo na sa panahon ng pagsubok sa ating mga alagang baboy.